l. Paulit-ulit, pabalik-balik, araw-araw ay dumaraan sa ating nakaraan,
hindi malimutan, mga nakasanayan kaya't di namamalayan tayo nga'y nawawalay sa may maykapal.
Koro:
Laging tandaan na hindi na tayo ang nabubuhay sa ating buhay kundi si Kristo na ating maylalang,
Mula ng atin siyang tinanggap,
biglang nagbago ang lahat-lahat,
nakaraan ay lumipas na,
may panibagong pag-asa,
kung isusuko ang puso't-isip, ngayon sa kanya.
ll. Oras-oras, pabago-bago pag-uugali ay bumabalik nangingibabaw ay galit,
nakakalimutan, na ang Diyos ang dapat tularan, kaya't laging tandaan, ang tungkulin ay gampanan.
Coda: Kung isusuko ang puso't-isip ngayon sa kanya.
Followers
To Inspire God's people.
Psalm 138:5
Yes, they shall sing of the ways of the Lord,
For great is the glory of the Lord.
Search Lyrics
Monday, May 21, 2018
Walang kapantay Composed by: AbelAlbuera
l. Ang salita mo Panginoon ang aking gabay, san man ako magtungo ikaw ang kailangan, di man karapat-dapat na maging anak, lagi kang nariyan at ika'y nagbabantay.
Koro:
Panginoon ang pangako mo'y laging tapat, laging maaasahan, laging nandiyan, walang kapantay hanggang sa walang hanggan.
ll. Sa pag-ibig mo Panginoon ako nabubuhay, kung mawawala ka sa piling ko walang patutunguhan, di man
nakaka-alala na lumapit sa iyo, lagi kang nariyan at ika'y nagpapa-ala-ala.
Coda:
Walang kapantay hanggang sa walang hanggan.

Tumawag lamang sa kanya Composed by: AbelAlbuera
l. Kaibigan ikaw ba ay nalulungkot? o natatakot sa problemang haharapin?
'wag ka ng malungkot, 'wag ka ng matakot, problema ay madaling lutasin dahil nariyan si Hesus.
Coda:
Kumatok lamang sa kanya, at pagbubuksan ka niya, di ka niya pababayaan, tumawag lang sa kanya.
Koro:
Si Hesus, ang tagapagligtas makapangyarihan sa lahat,
kaya wag ka ng mangamba dahil di ka naman nag-iisa, basta't tumawag lamang sa kanya.
kaibigan hanapin mo na siya.

Salamat Composed by: AbelAlbuera
l. Pagmasdan mo ang mga halaman sa parang, sila ay nabuhay dahil mayroong lumalang, di mo ba alam na tayo rin ay may buhay? salamat dahil mayroong nagbigay.
Koro:
Salamat Panginoon sa buhay at lakas,
di magmamaliw ang pag-ibig mong wagas, kahit, nakakalimot pa, kabutihan mo'y laging nandiyan at ang iyong pagmamahal.
ll. Bakit nga ba ang tao minsa'y gulong-gulo, di alam ang gagawin kaya't litong-lito, ng ikaw ay dumating sa piling ko Hesus pasasalamat ang tanging alay ko sa'yo.
Coda: kahit nakakalimot pa, kabutihan mo'y laging nandiyan at ang iyong pagmamahal.

Pag-ibig ng Diyos Composed by: AbelAlbuera
l. Kayrami-rami na nga ang nakalimot sa Diyos, di alam na ang buhay ay galing sa Diyos, kaya nga dapat natin siyang pasalamatan, lagi ka niyang inaalalayan.
Koro:
Ang Pag-ibig ng Diyos, ay tunay.
Ang Pag-ibig ng Diyos, ay walang hangganan kailan pa ma'y ika'y di niya iiwan.
ll. Kaya nga magtiwala lamang sa kanya,
ang buhay mo ngayon ay ibigay na sa kanya, paano kung wala ng pagkakataon? gawin mo na habang may panahon.

Ngayon na ang araw Composed by: AbelAlbuera
l. Ang bawat oras natin ay tumatakbo,
sa bawat araw natin ay may nagbabago, minsan naisip mo na ba, na lumapit kay Kristo, at isuko ang lahat sa buhay mo?
Koro:
Ngayon na ang araw ng pagbabago, pagsisisi, pagsusumamo'y iaalay sa'yo,
Ngayon na ang araw ng kaligtasan mo,
ang buhay ni Hesus ibinigay doon sa Krus, upang ikaw at ako ay matubos.
ll. Ang bawat landas natin ay may lumbay,
sa bawat kilos at galaw ang Diyos ang umaalalay, minsan naisip mo na ba na huwag mag'alinlangan? at ang puso't-isip mo'y ngayo'y ilalaan.

Kalusugan Composed by: AbelAlbuera
l. Minsan natutukso, minsan nalilito,
ngunit may tama at mali sa mundong ito,
pag iyong nalaman ang katotohanan, 'wag mag-alinlangan na ito'y sundan at gampanan.
KORO:
Kalusugan natin ay dapat ingatan,
pag'kat ang Diyos ang may kagustuhan,
kalusugan natin ay iayon sa kasulatan,
pinagbabawal satin ay dapat kalimutan,
ang pagbabago natin ay ngayon na kailangan, dahil si Kristo ang may kalooban.
Dahil si Kristo ang may kalooban.

Sunday, May 20, 2018
Itataas ang pangalan mo Composed by: AbelAlbuera
l. Minsan ang landas natin ay, di maintindihan, di alam kung mayron ba itong patutunguhan, ang tangi kong kailangan walang iba ang Diyos lamang.
Koro:
Tulungan mo kami Hesus na sumunod sayo kalooban mo ang siyang maging kalooban ko,
Ang puso't isip ko iaalay sa'yo ang mundo man ay magwakas aking itataas, ang Pangalan mo.
ll. Di mo ba napapansin ang buhay maraming kaguluhan, mga tao sa mundong ito maraming nalimutan,
Atin silang sabihan, na may Diyos tanging kanlungan.
Coda: Ang mundo man ay magwakas aking itataas, ang pangalan mo.

Ang aking Gabay Composed by: AbelAlbuera
l. Ang aking gabay sa buhay ay ikaw,
lagi kitang kasama, karamay ka 'twina, saan man ako pumunta, alam kong ikaw pa rin aking gabay.
ll. Ang may hawak ng buhay kong ito'y ikaw, lagi mong iniingatan hindi mo pinababayaan, sa landas ng aking buhay, pagka't alam kong ika'y aking gabay.
KORO:
Diyos ay aking gabay, gabay ko sa tuwing natatakot, gabay ko sa tuwing nalulungkot, at tinutulungan maging sa pagsubok, pagmamahal na walang hanggan sa Diyos lamang matatagpuan, buhay mo'y inalay upang matubos ang aming buhay pagka't ikaw o Diyos ang aming gabay.

Ang Biblia ang Daan Composed by: AbelAlbuera
l. Kung ang buhay mo ay magulo, ika'y nagtatanong kung bakit ganito?
'wag mag'alala dahil mayron pang pag-asa, na naghihintay sa'yo.
Koro:
Kasagutan ba ang hanap mo mahal na kaibigan?
Ang Biblia ang siyang daan upang masumpungan ang buhay na walang hanggan.
ll. Ang landas mo ba'y di maintindihan?, nararanasan ay puro nalang kabiguan, 'wag mag-alala inaalalayan ka, si Hesus ay nariyan.
lll. 'Pag ika'y wala ng malapitan, di alam kung saan ang pupuntahan, 'wag mag-alala ang pag-asa'y nariyan na bumasa ka ng Biblia.

Kabataan Composed by: AbelAlbuera
l. Kabataan, ang kailangan sa panahong ito, na may layuning ipahayag ang pangalan ni Kristo.
Kabataan, na nangatutulog ngayo'y bumangon na, pagka't tayo'y tinawagan ng ating Diyos Ama.
Koro:
Kabataan ang pag-asa ng bawat nilalang, ang iyong nalalaman ay dapat ng ipaalam,
Nasan ka man, kahit kailan, marami ang nangangailangan ng kaligtasan,
Ituro na, gawin mo na, pagka't maraming kaluluwa sayo'y naghihintay at umaasa.
ll. Maging ilaw sa bawat lugar maging sa tahanan, Pag-ibig sa iyong kapwa dapat ipakita, Maging Banal sa'ting buhay maging sa katapatan, maging isang halimbawa Diyos ay laking tuwa.
lll. Ang liwanag na natagpuan sa ating manlalalang na dapat ng malaman ng buong sanlibutan, na babalik na siya ika'y handa na ba? na salubungin siya, maging tapat hanggang wakas upang tayo'y maligtas.
Coda: Marami ang nangangailangan ng kaligtasan, Ituro na, gawin mo na, pagka't maraming kaluluwa sayo'y naghihintay at umaasa.
'Pagkat maraming kaluluwa sayo'y naghihintay at umaasa.

Sa Langit Composed by: AbelAlbuera
l. Ang buhay sa mundong ito ay may kahirapan, laging nababalitaan puro kaguluhan, oras-oras may kalungkutan, suliranin at kasawian, ang nararanasan.
Koro:
Sa langit ay wala ng kasalanan,
wala ng kahirapan, lungkot ay papawiin tayo ay babaguhin,
Sa langit ay wala ng problema,
kasiyahan ang madarama, pati papuri at pagsamba, sa ating Diyos Ama ang tanging ligaya.
ll. Minsan sa ating landas ay may kabiguan, natatanong sa isipan bakit nararanasan, araw-araw may pinapasan, kapanglawan, kalumbayan, at nasasaktan.
lll. Kung tayo'y magtiis ngayon, may'rong kaligtasan, ang buhay na walang hanggan ating makakamtan, magtiwala lamang sa kanya, ikaw, ako tayong lahat ay sasa kanya.

Kasiyahan ang madarama, pati papuri at pagsamba, sa ating Diyos Ama ang tanging ligaya.
Papuri at Dalangin Composed by: AbelAlbuera
l. Ang papuri ko, at ang awit kong ito,
ay para sa iyo Panginoon.
Dahil sa biyaya at kabutihan mo'y niligtas ako at dahil sa wagas na pag-ibig mo.
Koro:
Walang ibang hangarin, walang ibang mithiin, ang makasama ka o Diyos ay sapat na sa akin, Sa iyong pagbabalik ako'y nasasabik, o kay sarap isipin na tayo'y magkapiling.
ll. Ang Dalangin ko, buhusan ng banal na Espiritu upang maging karapat-dapat sa iyo, dahil ang daan, katotohanan, at ang buhay na sayo, at ang lahat ng bagay sa mundo.
Coda: o kay sarap isipin na tayo'y magkapiling.

Subscribe to:
Posts (Atom)