Followers

My Lyrics

To Inspire God's people.

Psalm 138:5

Yes, they shall sing of the ways of the Lord,
For great is the glory of the Lord.

Search Lyrics

Monday, June 24, 2024

Si Hesus na ang Bahala Composed by: AbelAlbuera

JUNE | 2024


|

ANG ISIP KO NGAYON AY NALILITO

HINDI KO NA ALAM, ANG GAGAWIN KO

DAHIL SA MGA PAGSUBOK NA DALA-DALA

PAWANG ANG PINTUAN AY BIGLANG NAGSARA


REFRAIN:

TILA WALANG PATUTUNGUHAN ANG BUHAY SA MUNDONG ITO

KUNG MATATAKOT, SUSUKO AT KUNG WALA SA BUHAY MO SI KRISTO.


CHORUS:

SI HESUS NA ANG BAHALA, SA 'YONG PANUKALA

IBIBIGAY NAMAN SAYO, ANG MGA PANALANGIN MO

SI HESUS NA ANG BAHALA, MAYRON SIYANG ISANG SALITA

IBIBIGAY NAMAN SAYO, ANG MGA KAHILINGAN MO

ANG PANGAKO NIYA'Y TAPAT SAYO,

AT HINDI MAGBABAGO,

MAGTIWALA KA AT SIYA NA ANG GAGAWA SA BUHAY MO.

||

INIISIP KUNG ANONG MANGYAYARI BUKAS

TILA-ANG PROBLEMA AY WALANG WAKAS

NAGING LUHA ANG IYONG MGA NGITI

DAHIL SA HIRAP AT PIGHATI

|||

NGAYON BATID NG DIYOS ANG YONG DAING

TIYAK IKAW NGAYON AY DIRINGGIN

WALANG IMPOSIBLE SA KANYA

TANGGAPIN MO LANG ANG PAG-IBIG NIYA

Monday, May 21, 2018

Laging tandaan Composed by: AbelAlbuera

l. Paulit-ulit, pabalik-balik, araw-araw ay dumaraan sa ating nakaraan,
hindi malimutan, mga nakasanayan kaya't di namamalayan tayo nga'y nawawalay sa may maykapal.

Koro:
Laging tandaan na hindi na tayo ang nabubuhay sa ating buhay kundi si Kristo na ating maylalang,
Mula ng atin siyang tinanggap,
biglang nagbago ang lahat-lahat,
nakaraan ay lumipas na,
may panibagong pag-asa,
kung isusuko ang puso't-isip, ngayon sa kanya.

ll. Oras-oras, pabago-bago pag-uugali ay bumabalik nangingibabaw ay galit,
nakakalimutan, na ang Diyos ang dapat tularan, kaya't laging tandaan, ang tungkulin ay gampanan.

Coda: Kung isusuko ang puso't-isip ngayon sa kanya.

Walang kapantay Composed by: AbelAlbuera

l. Ang salita mo Panginoon ang aking gabay, san man ako magtungo ikaw ang kailangan, di man karapat-dapat na maging anak, lagi kang nariyan at ika'y nagbabantay.

Koro:
Panginoon ang pangako mo'y laging tapat, laging maaasahan, laging nandiyan, walang kapantay hanggang sa walang hanggan.

ll. Sa pag-ibig mo Panginoon ako nabubuhay, kung mawawala ka sa piling ko walang patutunguhan, di man
nakaka-alala na lumapit sa iyo, lagi kang nariyan at ika'y nagpapa-ala-ala.

Coda:
Walang kapantay hanggang sa walang hanggan.

Tumawag lamang sa kanya Composed by: AbelAlbuera

l. Kaibigan ikaw ba ay nalulungkot? o natatakot sa problemang haharapin?
'wag ka ng malungkot, 'wag ka ng matakot, problema ay madaling lutasin dahil nariyan si Hesus.

Coda:
Kumatok lamang sa kanya, at pagbubuksan ka niya, di ka niya pababayaan, tumawag lang sa kanya.

Koro:
Si Hesus, ang tagapagligtas makapangyarihan sa lahat,
kaya wag ka ng mangamba dahil di ka naman nag-iisa, basta't tumawag lamang sa kanya.

kaibigan hanapin mo na siya.